Search results: 372
Kindergarten-135648
,
Learning Strand 3
Learning Strand 3 is intended to help the learners acquire mathematical and problem solving skills that are essential in their meaningful participation in improving the quality of life of the people, community and the country as a whole.
Development of mathematical and problem solving skills among learners will enable them to apply the gained knowledge on mathematical tools in defining problems and implementing effective solutions. These skills are very essential in decision making and are highly valued in every career level.
This learning strand is also intended to develop critical functional competencies on critical thinking, communicating, making connection, spatial intelligence, logical reasoning and future orientation. These competencies specifically seek to extend the learners’ abilities in:
knowing and understanding
computing and solving
visualizing and modelling
representing and communicating
conjecturing
reasoning
proving and decision making
applying and connecting
Through the development of learners’ mathematical and problem solving skills, ALS learners will enhance their own personal and social effectiveness by way of improving the quality of life.
LTCS English 4 Quarter 3
This module is focused on the development of the learners.
For the teacher:
1. Explain all directions/instructions to the learner before handing this material.
2. If necessary, demonstrate the use of this material to the learner together with a parent or a guardian for proper use.
3. An answer key is provided for easier checking and monitoring of the learner's progress.
4. For the activity that requires varied answers from the learners, use reference materials and other online resources in checking the responses.
For the learner:
1. Read and follow all the directions/instructions carefully.
2. Answer all the given tests and exercises.
3. Make sure you finish assigned tasks properly before answering the next/succeeding one.
4. Write your answers in a separate sheet of paper or in an activity notebook or as instructed.
5. Handle this enhanced supplementary intervention material with care.
Math
5
Health
Ikalawang Markahan – Modyul 7:
Gampaning Pangkasarian: Paano
ka ba dapat?
CO_Q2_Health 5_ Module 7
Health – Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Pangalawang Markahan – Modyul 7: Gampaning Pangkasarian: Paano ka ba dapat?
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na nag
handa ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatangaring
iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Teodmhar P. Magno
Mga Editor: Ryan E. Depalco, Mark Joevel Buante
Mga Tagasuri: Gregorio N. Cainto, Prima S. Jabagat
Tagaguhit: Teodmhar P. Magno
Mga Tagalapat: Teodmhar P. Magno, Dorely Eliza P. Dela Cruz
Mga Tagapamahala:
Ramir B. Uytico, Arnulfo M. Balane, Rosemarie M. Guino, Joy B. Bihag,
Ryan R. Tiu, Nova P. Jorge, Carmelino P. Bernadas, Rey F. Bulawan,
Nicolas G. Baylan, Neil G. Alas, Imelda E. Gayda, Abelardo G. Campani
Inilimbag sa Pilipinas ng _
Department of Education – Region VIII
Office Address: Government Center, Cadahug, Palo, Leyte
Telefax: 053 – 323-3156
E-mail Address: region8@deped.gov.ph
1
CO_Q2_Health 5_ Module 7
Alamin
Ang pagkahubog ng bawat katangian ng babae at lalaki ay napagtitibay ng
iba’t ibang salik ng lipunan kagaya ng pamilya, medya, relihiyon, at paaralan.
Ang kasarian ng lalaki at babae ay isang bagay na nagdidikta kung ano ang
kanilang tungkulin na kailangan gampanan sa isang lipunan na maaaring magbago
depende sa kung papaano nito naapektuhan ng mga nasambit na salik.
Layunin ng modyul na ito ang mga sumusunod:
1. Masasabi kung papaano napagtitibay ng pamilya, medya, relihiyon,
paaralan at lipunan ang gampaning pangkasarian (H5GD-IIj-14); at
2. Makapagbibigay ng mga halimbawa kung papaano nagbabago ang
gampaning pang-kasarian ng lalaki at babae (H5GD-Ij-15).
Subukin
Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Isulat ang salitang TAMA kung
ito ay totoong gampanin ng isang lalaki o babae at MALI kung hindi.
Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Ang mga kalalakihan ay inaasahang gaganap ng mga tungkulin na
mabibigat sa pamilya kung wala ang mga ama.
2. Ang mga kalalakihan ay maghihintay lamang ng suporta ng mga
Kababaihan.
3. Ang isang lalaki o babae ay puwedengmanilbihan sa bayan.
4. Inaasahan na ang mga kababaihan ay kikilos nang mas agresibo sa
paghahanapbuhay kaysa sa mga kalalakihan para sa kanilang pamilya.
5. Inaasahan na ang lalaki ay siyang manliligawsa babae.
6. Ang mga kababaihan ang siyang susuyo sa mga kalalakihan.
7. Lalaki man o babae ay puwedengmaghanapbuhay para sa pamilya.
8. Ang mga kalalakihan ang siyang magtataguyod ng pamilya.
9. Inaasahan na ang mga kalalakihan ang maglilinis ng bahay at maglalaba.
10.Nararapat na ang kababaihan ang gagabay sa mga bata ng magandang paguugali.
2
CO_Q2_Health 5_ Module 7
Aralin
4 Gampaning Pangkasarian:
Paano ka ba dapat?
Ang gampaning pangkasarian ay nalilinang habang ang bata ay lumalaki. Ito
ay naaapektuhan at nahuhubog ng iba’t ibang salik kagaya ng pamilya, medya,
relihiyon at paaralan. Ang bawat salik ay mahalaga para sa inaasahang dapat
maging gampaning pangkasarian ng isang lalaki o babae.
Sa araling ito matutunan ng mga mag-aaral kung ano ba ang dapat na
gampaning pangkasarian ng isang babae at lalaki.
Balikan
Panuto: Basahin ang mga sumusunod. Isulat ang S kung ang parirala ay
tumutukoy sa bayolohikal o pisyolohikal na katangian ng isang lalaki o
babae, at K naman kung ito ay tumutukoy sa panlipunang gampanin,
kilos at gawain ng isang lalaki o babae.
1. paglalagay ng ‘make-up’ sa mukha
2. buwanang dalaw
3. pagpapasuso ng ina sa sanggol
4. pagbubuhat ng mabibigat
5. pagkakaroon ng kalalakihan ng mabibigat na buto
Mga Tala para sa Guro
Ang modyul na ito ay magsisilbing kagamitan ng mga magaaral
para mapunan ang mga araling hindi masyadong nabigyang
diin sa pagtuturo o naproseso at para rin mapunan ang mga
kasanayan sa araw na hindi nila nakuha.
3
CO_Q2_Health 5_ Module 7
Tuklasin
Panuto: Isulat ang salitang NOON kung ang gampaning pangkasarian ay batay sa
kung ito ay turo ng kahapon habang NGAYON naman kung ito ay ang
pagbabagong gampaning pangkasarian sa panahon ngayon. Isulat ang
tamang sagot sa sagutang papel.
1. Ang lalaki lamang ang pwedengmaghanapbuhay.
2. Maaaring tumulong ang isang babae sa pag-igib ng tubig lalo na kung kaya
naman niya ito.
3. Ang mga babae at lalaki ay maaaring maglagay ng make-up sa mukha.
4. Ang babae ay inaasahang tagalinis ng bahay at tagalaba.
5. Ang lalaki ay maaaring maglaba ng kanyang mga damit.
Suriin
Ang gampaning pangkasarian ay pamantayan ng pag-uugali sa lipunan na
itinuturing na akma o angkop para sa kasarian ng isang indibidwal. Ang kasarian
ng lalaki at babae ay naapektuhan ngmga salik sa lipunan na humuhubog sa kanila.
Narito ang mga salik na nakapagtitibay ng gampaning pangkasarian ng isang
lalaki at babae:
1. Pamilya
2. Paaralan
3. Medya
4. Relihiyon
Bawat isa sa mga salik na ito ay may kanya-kanyang mga paraan kung paano
nahuhubog ang gamapaninig pangkasarian ng isang lalaki o babae. May mga turo
na nagkakapareho at mayroon din namang nagkakaiba batay na rin sa impluwensya
ng takbo ng panahon at sa modernong pamumuhay.
4
CO_Q2_Health 5_ Module 7
Ang PAMILYA.
Iginuhit ni Teodmhar P. Magno, Eastern Samar, SDO
Simula sa pagkamulat ng bata at pagkalinang ng kanyang kamalayan, ang
pamilya ang siyang pinakaunang gabay. Ito ang unang guro sa buhay ng isang
batang lalaki o babae na nagpapangaral sa kanya sa mga bagay na dapat at hindi
dapat gawin at mga magagandang asal.
Pamilya ang unang humuhubog sa kung ano ba dapat ang gamapanin ng
isang lalaki at babae na siyang dapat ipinapakita at ginagawa. Narito ang iilan sa
mga pamamaraan kung papaano napagtitibay ng pamilya ang gampaning
pangkasarian ng isang babae o lalaki.
Tuwing kumakain ang pamilya, dito isinisingit ang mga usapin tungkol sa
kung ano ba dapat ang ginagawa ng isang lalaki o babae.
Bawat bonding time ng pamilya, itinuturo ng mga magulang ang mga
nararapat na asal at pag-uugali ng isang lalaki o babae na makatutulong sa
kanya para maging isang responsableng anak at mamamayan.
Tahasang pinagsasabihan ng isang tatay o nanay yong mga gawaing hindi
tama at tama para sa kanilang anak na lalaki o babae.
Narito naman ang mga halimbawa ng mga itinuturo ng pamilya sa mga anak
na lalaki o babae.
Ang mga lalaki ay dapat tumutulong sa mga gawaing bahay kagaya ng,
pag-igib ng tubig;
pagkukumpuni ng mga sirang gamit;
pagtulong sa mga mabibigat na gawain sa bahay; atbp.
Ang mga kababaihan ay dapat tumutulong sa gawaing bahay kagaya ng,
sa paglilinis ng bahay;
pagwawalis ng sahig;
paghuhugas ng pinggan;
paglalaba; atbp.
5
CO_Q2_Health 5_ Module 7
Ang PAARALAN.
Iginuhit ni Teodmhar P. Magno, Eastern Samar, SDO
Sa paglaki ng isang batang lalaki o babae, hindi na lamang sa bahay
gumagalaw ang kanyang mundo. Sa pagtungtong ng edad na maaring na mga-aral
ang bata, paaralan na ngayon ang magsisilbing pangalawang magulang at
magbibigay ng pormal na edukasyon. Dito, napagtitibay ang gampaning
pangkasarian ng isang lalaki o babae.
Narito ang mga pamamaraan kung papaano nahuhubog at napagtitibay ng
paaralan ang gampaning pangkasarian ng isang lalaki o babae.
Ang lahat ng mga mag-aaral ay nagkakaroon ng oryentasyon sa mga polisiya
at guidelines sa kung ano ba dapat na kanilang ginagawa bilang mga
kalalakihan o kababaihan.
Tinatalakay ng paaralan sa mga bata ang pupil o student handbook na
naglalaman ng mga gawaing naayon sa batayan o standards ng paaralan para
sa mga batang lalaki at babae.
Nagkakaroon ng mga buwanang programa na humuhubog sa mga kakayahan
ng mga lalaki at babae kagaya ng Nutrition Month, Buwan ng Wika, Science
Fair, English Month, atbp.
Narito naman ang ilan sa mga gawaing itinuturo ng mga paaralan sa mga
mag-aaral sa mga kalalakihan at kababaihan.
Ang mga lalaki ay,
dapat nagsusuot ng unipormeng panlalaki;
nagpapagupit ng buhok ayon sa kung ano ang nararapat;
nagbubuhat ng mabibigat na bagay sa loob at labas ng silidaralan;
tumutulong sa pagkukumpuni sa mga sirang upuan o furniture
sa silid-aralan;
puwedengmaupo sa posisyong politikal o manilbihan sa lipunan;
atbp.
Ang mga babae ay,
dapat nagsusuot ng unipormeng pambabae;
tinatali ang buhok kung mahaba, kung maiksi naman ay dapat
na nagsusuot ng headband at iba pang gamit ;
tumututlong sa paglilinis sa loob at labas ng silid-aralan;
6
CO_Q2_Health 5_ Module 7
kung kayang buhatin ang isang mabigat na bagay lalo na kung
walang lalaking pweding magbuhat nito, ay pwede naman niyang
gawin basta ayon lamang sa kanyang kayang mabuhat;
papasok ng presentable sa paaralan;
puwede ring manilbihan sa lipunan o tumakbo para sa posisiyong
political; atbp.
Ang MEDYA.
Iginuhit ni Teodmhar P. Magno, Eastern Samar, SDO
Dahil sa modernong teknolohiya mayroon ang tao ngayon, hindi na lamang
ang pamilya at paaralan ang napagkukunan ng aral o ikatuto ng mga bata lalo na
sa kanilang gampaning pangkasarian dahil sa impluwensiya ng medya. Sa laro ng
teknolohiya ngayon, lahat ay pupuwede nang makita at matutunan sa cellphone,
laptop, o telebisyon sa tulong ng internet.
Sa mga programa sa telebisyon,mga ini-upload sa youtube na mga iba’t ibang
videos, mga documentaries, mga vlogs at iba pa, dito nakakakuha ang mga batang
lalaki o babae ng iba’t ibang impormasyon na inilalapat nila sa kani-kanilang buhay
na nakaiimpluwensya sa kanilang gampaning pangkasarian.
Ilan sa mga ito ay:
Ang isang lalaki o babae ay may karapatang pumili ng kanilang susundin
ayon sa kanilang nakuha batay sa kanilang bagong pinaniniwalaan.
Maaari ring maghugas ng pinggan at maglaba ang mga kalalakihan.
Hindi na lamang mga kalalakihan ang pupuweding makagawa ng mga bagay
na kadalasang ginagawa nila pati na rin ang mga kababaihan ay maari narin
gawin ang mga ito kagaya ng,
pagkukumpuni ng mga sirang kumpyuter, cellphone o laptop;
pag-akyat ng mga matatarik na bulubundukin;
pagsabak sa pampalakasan kagaya ng wrestling, boxing at iba pa;
pagtakbo sa mga halalan para makaupo sa posisyon o magsilbi sa
bayan;
paghahanap-buhay (propesyonal, opisina o labor);
pagiging director sa telebisyon o mga gawaing pampelikula; atbp.
7
CO_Q2_Health 5_ Module 7
Ang RELIHIYON.
Iginuhit ni Teodmhar P. Magno, Eastern Samar, SDO
Isa pang nagpapatibay ng gampaning pangkasarian ng isang lalaki o babae
ay ang kanyang kinabibilangang relihiyon na sa pamamagitan ng mga doktrinang
kaniyang pinapakinggan, siya ay nagagabayan kung ano ang dapat at naaayon sa
kasulatan at salita ng Diyos.
May mga programang inihahanda ang iba’t ibang simbahan para sa kanilang
mga kasapi lalo na para sa kanilang mga miyembro na mga batang lalaki at babae.
Ang mga programang ito ay silang nakapaghuhubog sa inaasahang pag-uugali at
gampaning pangkasarian ng isang lalaki o babae kagaya ng sumusunod:
Outreach programs
Catechitics
Youth Seminars
Values Formation Programs
Sa pamamagitan ng mga programang ito, itinuturo dito ang mga gawain na
nakapaghuhubog ng gampaning pangkasarian na kalugod-luogd sa harapan ng
Diyos. Ilan sa mga pangaral ay:
Ang mga lalaki ay inaasahan na sila ang,
magpapakita ng wastong gupit sa buhok para sa mga
nakababatang kapatid o kapanalig
mag-aalok ng kasal sa mga napupusuan nila;
magtatrabaho para sa kanilang pamilya;
magpapakita ng magandang asal para sa mga nakababatang
kapatid o mga kapanalig;
maghahanapbuhay;
magsisilbing lakas ng pamilya;
magsisilbi sa Parokya, simbahan, kapilya, mosque sa
pamamagitan ng pagiging altar boy, lay minister, reader, psalmist,
diakono, mang-aawit o ang pagiging pari, ministro; atbp.
Ang mga babae ay inaasahan na sila ang,
magpapahaba ng buhok;
magsisilbi sa asawa;
gagabay sa mga anak;
magpapakita ng magandang asal para sa mga nakababatang
kapatid o kapanalig;
8
CO_Q2_Health 5_ Module 7
magsisilbi sa simbahan kagaya ng pagiging reader, psalmist,
diokonesa, mang-aawit o pagiging madre; atbp.
Ilan lamang ito sa mga bagay na nakaiimpluwensya at nakapagpapatibay sa
gampaning pangkasarian ng isang lalaki at babae habang sila ay lumalaki.
Sa makabagong panahon, ang gampaning pangkasarian ay hindi na
nakasentro sa dapat na gamapanin ng isang lalaki o babae. Maraming sector ng
lipunan ang nagsusulong ngayon ng gender equality o ang pagkakapantaypantay
ng bawat isa sa anumang larangan, mapalalaki man o babae, bagay na
dapat igalang at pagyamanin.
Pagyamanin
Panuto: Pumili sa mga pangungusap na nasa kahon kung aling paraan ang tiyak
na nakapag-papatibay ng gampaning pangkasarian ng isang lalaki o
babae sa mga sumusunod na sitwasyon. Isulat ang titik ng tamang sagot.
A. Dahil sa iba’t ibang programa sa telebisyon at sa ibang pang uri ng medya
platform, natutunan ng isang lalaki o babae na ang paghahanapbuhay ay
maaaring magawa ng kahit na sinong tao mapalalaki o babae man yan, lalo na
sa panahon ngayon.
B. Ipinangangaral ng mga magulang sa mga anak ang kahalagahan ng
pagtulong sa pamilya lalo na kung sila ay magsisipagpamilya na rin. Ang babae
ang siyang hahawak ng badyet para sa mga gastosin.
C. Natutunan sa mga magulang kung sino ang siyang dapat na mag-aasikaso
sa pamilyamula sa paghahanda ng pagkain at pagliligpit nito.
D. Turo sa banal na kasulatan na ang lalaki ay dapat hindi nagpapahaba ng
buhok bagkus ay dapat ginugupit kung mahaba na ito. Ang tanging pwedeng
magpahaba ng buhok lamang ay yaong mga kababaihan. (Cor. 11:6-7, 14-15)
E. Parehas ang turo ng mgamagulang at paaralan sa mga bata pagdating sa
kanilang kasuotan. Ang lalaki ay dapat magsuot kung ano ang panglalaki
gayundin ang mga babae.
1. paghuhugas ng mga pinggan
2. maghanapbuhay lalaki man o babae
3. Ang kita ng lalaki sa trabaho ay ibibigay sa asawang babae.
4. magsusuot ng palda ang babae at pantalon/saluwal ang lalaki
5. Ang lalaki ay magpapagupit ng panlalaki at ang babae ay magpapahaba
ng buhok.
9
CO_Q2_Health 5_ Module 7
Isaisip
Buuin ang tatlong pangungusap na ito. Ilagay ang sagot sa iyong sagutang
papel.
1. Ang gampaning pangkasarian ng isang lalaki at babae ay napagtitibay ng
_ , , , at .
2. Sa panahon ngayon, ang gampaning pangkasarian ay hindi na binibigyan
diin sa kung ano ang inaassahang gawain ng lalaki o babae dahil
.
3. Dahil sa pagbabago ng pang-unawa at sa hamon ng pamumuhay, ang
gawain ng lalaki ay puwede nang gawin ng babae o bise bersa dahil
.
Isagawa
Panuto: Gumuhit ng isang pigurang tao o bata sa isang papel. Sa isa o dalawang
pangungusap magbigay ng sariling pagtalakay batay sa naintindihan
mong impluwensiya ng pamilya, paaralan, relihiyon at medya sa
gampaning pangkasarian ng isang lalaki o babae.
Pamilya Paaralan
Relihiyon Medya
10
10 CO_Q2_Health 5_ Module 7
Base sa ibinigay mong pagtatalakay, ang gampaning pangkasarian ba na
napagtitibay ng bawat salik ay nailalapat ng bawat lalaki o babae sa kanilang buhay
lalo na sa panahon ngayon? Bakit kaya?
Tayahin
Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa iyong sagutang papel.
1. Ang iba’t ibang programa kagaya ng Catechism ay isa lamang sa mga
gawain ng anong salik na nakapagtitibay ng gampaning pangkasarian ng
mga lalaki o babae?
A. Pamilya C. Medya
B. Paaralan D. Relihiyon
2. Sa napakaraming programa sa telebisyon at mga videos sa online platform
kagaya ng youtube at mga social apps kagaya ng Facebook at Instagram,
maraming natutununan ang mga batang lalaki at babae dito na sadyang
napakalakas ng hatak sa kanilang gampanin sa buhay. Ang mga nabanggit
na mga platform ay saklaw ng anong salik?
A. Pamilya C. Paaralan
B. Medya D. Relihiyon
3. Alin sa mga sumusunod na gawain sa paaralan ang nakapagtitibay ng
gampaning pangkasarian ng isang lalaki o babae?
A. youtube C. Mga Polisiya/Code of Conduct
B. Periodical Tests D. Catechism
4. Ang pagsali sa mga iba’t ibang laro kagaya ng basketball, boxing, volleyball
at iba pa ay maaring gawin ng mga kalalakihan o kababaihan na
napagtitibay ng lahat ng salik sa iba’t ibang pagkakataon at pamamaraan.
Alin sa mga salik na iyong nabasa sa modyul na ito ang may malaking
bahagi sa pagkalinang ng kakayahan sa isport ng mga batang lalaki at
babae?
A. Paaralan C. Pamilya
B. Relihiyon D. Medya
11
11 CO_Q2_Health 5_ Module 7
5. Alin sa mga sumusunod ang puwedeng gampanan ng mga kalalakihan o
kababaihan?
A. paglilinis ng silid-aralan C. pagsilbi sa bayan
B. pag-aayos ng computer hardware D. lahat ng nabanggit
6. Ang paglilinis at paglalaba ng mga damit ay itinuturo ng pamilya sa mga
batang babae at ang pag-iigib at pagkukumpuni ng mga sirang gamit
naman sa mga batang lalaki. Subalit, sa panahon ngayon, mapalalaki man
o babae ay naisasagawa na ang mga ito ng salitan dahil sa mga madaling
pamamaraan ng pagsasagawa na napapanood sa telebisyon at sa ibang
online platform. Anong salik ang nagpapatibay nito?
A. Pamilya C. Medya
B. Relihiyon D. Paaralan
7. Dahil sa impluwensiya ng medya sa mga batang lalaki o babae, nabibigyan
ng kaalaman ang bawat isa na hindi lang pala lalaki o babae ang puwedeng
makagawa ng mga tungkulin o gampanin. Alin sa mga sumusunod ang
puwedeng magawa ng lalaki at babae na napagtitibay ng medya?
A. paglalagay ng make-up C. pagbubuntis
B. paggamit ng sanitary napkin D. pagpapatuli
8. Alin sa mga sumusunod ang hindi maaring gampanan ng mga kalalakihan?
A. paglalagay ng make-up C. pagluluto
B. pagbubuntis D. pangingisda
9. Ang pag-aalaga ng mga nakababatang kapatid ay kaninong gampanin?
A. kalalakihan C. kababaihan
B. ‘di puwedeng gawin ng lalaki o babae D. puwedeng lalaki o babae
10. Sa mga nakalipas na panahon, ang gampaning pangkasarian ay
nakasentro sa inaasahang gawain ng lalaki o babae. Sa modernong
kaisipan at panahon, ang gampanin ng lalaki ay puwedeng maisagawa ng
babae o bise bersa. Sa ganitong pamamaraan, kinikilala at iginagalang ang
pagkapantay-pantay ng lalaki o babae sa usaping gampanin na tinatawag
na ?
A. gampaninig pangkasarian o gender role C. kasarian
B. gender equality D. sex
12
12 CO_Q2_Health 5_ Module 7
Karagdagang Gawain
Panuto: Lagyan ng tsek ( / ) ang bawat bilang kung ang pangungusap o sitwasyon
ay nagsasaad ng gender equality o pagkapantay-pantay ng kasarian at ( X )
naman kung hindi. Ilagay ang inyong sagot sa sagutang papel.
1. May gaganapin na paligsahan sa paaralan na Dagliang Talumpati. Sa klase
ni G. Jaime, halos mga kababaihan ang gustong sumali rito. Binigyan ang
bawat klase ng tigdadalawang kalahok na puwedeng makasali rito. Pinili ni
Gng. Mercales ang dalawa sa magagling niyang mag-aaral sina Arlene at
Rodel. Parehas silang may kakayahan sa pagsasalita kaya silang dalawa ang
pinili ni Gng. Mercales
2. Maraming gawain sa bahay nila Aling Maring dahil sa idaraos na
selebrasyon ng kapanganakan ng kaniyang bunsong anak. Pinatulong sina
Oscar at Maria sa paglilinis ng bahay at pag-iigib ng tubig. Masayang
nagtulongan ang unang dalawang anak ni Aling Maring sa gawaing bahay.
3. Sa Parokya ng San Agustin, nakakatuwang makita na hindi lamang mga
batang lalaki ang nagsisilbi sa gawain ng simbahan kundi pati narin ang
mga kababaihan. Mayroong nagbasa ng unang pagbasa ng kasulatan na
batang lalaki at iyong pangalawa naman ay batang babae. Talagang
nakagagalak at siguradongmasaya at nalulugod ang Panginoon sa gawaing
ito.
4. May kinaaliwan si Mang Rudy na panuorin sa mga nakaupload na videos
sa youtube tungkol sa mga adventures ng mag-asawang millennial na sina
Mike at Cheska na gumagawa ng makapigil-hiningang gawain kagaya ng
pagtalon sa hangin mula sa helicopter o tinatawag na aerial diving,
pagsurfing sa malalaking alon, at pag-akyat sa matataas na bulubundukin.
Ani pa nga niya, “Wooh! Ito ang relationship goal!”
5. Sa negosyo nila Mang Nestor, nakakabilib lang na hindi lang lalaki ang
kaniyang kinuhang drayber kundi pati rin babae. At isipin mo ah,
malalaking truck ang mayroon sila na dinadrive ng parehong lalaki at babae.
Iba!
Karagdagang Gawain
1. /
2. /
3. /
4. /
5. /
Tayahin
1. D 6. C
2. B 7. A
3. C 8. B
4. A 9. D
5. D 10. B
Isagawa
Maaaring magkaiab-iba ang sagot. Narito ang rubric na gagamitin para
sa pagbibigay ng puntos sa kanila g sagot.
2 puntos – Naitalakay nang maayos ang bawat salik at naipamalas ang
laman ng puntos.
1 puntos – Naitalakay nang hindi gaano. Hindi masyadong nailahad ang
puntos.
Isaisip
1. (Puwede magkapalit-palit)
Pamilya, Paarlan, Medya, at
Relihiyon
2 at 3. Maaaringmagkaiba-iba
ang sagot depende sa
naintindihan nila.
Pagyamanin
1. C
2. A
3. B
4. E
5. D
Tuklasin
1. NOON
2. NGAYON
3. NGAYON
4. NOON
5. NGAYON
Balikan
1. K
2. S
3. S
4. K
5. S
Subukin
1. TAMA 6. MALI
2. MALI 7. TAMA
3. TAMA 8. TAMA
4. MALI 9. MALI
5. TAMA 10. TAMA
Sanggunian
DepEd Region8. 2016, Sex at Gender at mga Tungkuling Kaakibat Nito, Gabay sa
Pagtuturo Health 5 Yunit 2, pp. 1-2
Department of Education. 2016, K to 12 CurriculumGuide in Health, p. 48
DepEd, 2016. Kagamitan ng mag-aaral sa Health 5 Yunit 2
https://tl.wikipedia.org/wiki/Gampaning_pangkasarian
https://takdangaralin.ph/papel-sa-lipunan-bilang-babae-o-lalaki/
https://www.wordproject.org/bibles/tl/46/11.htm
https://www.wikiwand.com/tl/Araling_pangkasarian
https://tl.wikipedia.org/wiki/Kababaihan_sa_Pilipinas
https://aralipunan.com/sex-at-gender/
14
CO_Q2_Health 5_ Module 7
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
MathematicsOrdinal Numbers
PREFACE
This module is a project of the Curriculum Implementation Division
particularly the Learning Resource Management and Development Unit,
Department of Education, Schools Division of Apayao - CAR which is in response
to the implementation of the K to 12 Curriculum.
This Learning Material is a property of the Department of Education - CID,
Schools Division of Apayao - CAR. It aims to improve learners’ performance
specifically in Mathematics.
Date of Development : september 2021
Resource Location : Sta. Marcela West Central Elementary
School. Sta. Marcela District, SDO-Apayao,
CAR
Learning Area : Mathematics
Grade Level : 2
Learning Resource Type : Module
Language : Iloko
Quarter/Week : Q1/W4
Learning Competency/Code : Identifies ordinal numbers from 1st through the
20th object with emphasis on the 11th to 20th
object in a given set from a given point of
reference. M2NS-Ie-16.2
Module 3; week 3
This module deals with the equipment used in the production of appetizer, classification of appetizers and identification of ingredients used for appetizers. You will also find this module helpful if you involve yourself in the topic, read the lesson carefully, follow instructions in all activities and answer all provided learning activities. In this unit, you will be encountering also the types, parts and guidelines in preparing appetizer.
Learning Objectives:
1. Identify tools and equipment needed in the preparation of appetizers;
2. Classify appetizers according to ingredients; and 3. Identify ingredients according to the given recipe.
Oral Communication in Context Q2W5
Module developed by Dialyn A. Gorio
Redeveloped for DepEd LMS by Jonnalyn B. Carpio
MELC: Identifies the various types of speech context.
Personal Development
This course makes senior high school students aware of the developmental stage that they are in, for them to better understand themselves and the significant people
around them as they make important career decisions as adolescents. The course consists of modules, each of which addresses a key concern in personal development.
Using the experiential learning approach, each module invites students to explore specific themes in their development. Personal reflections, sharing, and lectures help
reveal and articulate relevant concepts, theories, and tools in different areas in psychology.