135380 - Calasipan ES
Araling Panlipunan-Grade 1-135380-Jesica Langtiwan

Araling Panlipunan-Grade 1-135380-Jesica Langtiwan

Ang mga kakayahan ng bagong AP kurikulum ay nakaugat sa mga layunin ng batayang edukasyon: ang kapaki- pakinabang (functional) na literasi ng lahat; ang paglinang ng “functionally literate and developed Filipino;” at ang pangmatagalang pagkatuto pagkatapos ng pormal na pag-aaral (lifelong learning). Makikita ang mga pangkalahatang layuning ito sa mga partikular na kakayahan ng AP katulad halimbawa, ng pagsisiyasat at pagsusuri. Samakatuwid, ang AP kurikulum ay di lamang base sa nilalaman (content-based) kundi rin sa mga kakayahan (competence-based). Sadyang inisa-isa ang mga kakayahan ng AP upang: (a) ipakita ang ugnayan nito sa mga layunin ng batayang edukasyon, at (b) bigyang diin ang mga mapanuring kakayahan na hindi malilinang sa pamamagitan ng pagsasaulo ng impormasyon.