ARALING PANLIPUNAN 6-Q2-MODYUL 1: Ang Uri ng Pamahalaan at Patakarang Ipinatupad sa Panahon ng mga Amerikano
Kumusta ka na? Malamang marami ka nang alam tungkol sa ating bansa sa panahon ng mga Amerikano. Atin pang dagdagan ang iyong natutuhan tungkol sa uri ng pamahalaan at patakarang ipinatupad ng mga Amerikano sa ating bansa.Ayon sa mga kasabihang “kapag may tiyaga, may nilaga” at “kapag may itinanim, may aanihin,” kung pinagsikapan mo ang isang bagay, may naghihintay sa iyong tagumpay. Kaya ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat para sa ikauunlad ng iyong kaalaman. Dito tatalakayin ang mga ginawa ng mga pinunong Pilipino upang makamit natin ang kalayaan mula sa pananakop ng mga Amerikano. Isinulong ng mga pinunong Pilipino ang mahinahong pakikibaka sa halip na dahas. Nagsagawa sila ng mga misyong pangkalayaan at ang bunga nito ay ang makapagtaguyod ng batas pangkalayaan at makapagtatag ng Pamahalaang Komonwelt.