ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 1 ASSESSMENT

ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 1 ASSESSMENT

   Ang mga katanungan dito ay tungkol sa mga napag-aralan sa unang markahan. Basahin at intindihin ang mga ito.


                                               

Unang Markahan – Modyul 6: Pakikibaka  ng  mga  Pilipino sa Panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano

Unang Markahan – Modyul 6: Pakikibaka ng mga Pilipino sa Panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano

Unang Putok sa Panulukan ng Silencio at Sociego, Sta. Mesa

Alam mo ba ang Kasunduan sa Paris? Ito ay ang kasunduang nilagdaan ng mga pinuno ng Estados Unidos at ng España. Isa itong kasunduang pangkapayapaan na nagtatadhana sa paglilipat ng Español ng pamahalaan sa Estados Unidos at pagtanggap ng España ng dalawampung milyong dolyar mula sa Estados Unidos, paggagarantiya ng Estados Unidos na makapapasok ang kalakal ng España sa Pilipinas sa loob ng sampung taon, pag-alis ng mga Español sa Cuba, paglilipat ng pamahalaan ng Guam at Puerto Rico sa Estados Unidos, at masusing pagpapasiya ng Kongresong Amerikano sa mga karapatang pampulitika at pansibiko ng mga mamamayan ng mga inilipat na teritoryo. Bago pa man ipinagtibay sa Estados Unidos ang kasunduang ito, tumutol na ang mga Pilipino sa kasunduang pangkapayapaan. Iba’t iba ang pananaw ng mga Amerikano sa di pagsang-ayon sa kasunduan.