Edukasyon Sa Pagpapakatao 10
Hangad ng modyul na ito na makatulong upang maging mas malawak ang iyong pag-unawa sa konsepto ng makataong kilos. Bilang isang tao, dapat nating isaalangalang na ang bawat pasiya at kilos natin ay hindi lang nakakaapekto sa ating sarili kundi pati rin sa ating kapwa at kapaligiran. Mahalagang maunawaan mo na ang tao ay dapat nagpapasiya at kumikilos ng tama at mabuti sa ikauunlad ng sarili maging ang kabutihang panlahat.
Tatalakayin ng aralin na ito ang tungkol sa mga yugto ng makataong kilos.
Layunin ng modyul na maipaliwanag ang mga yugto na ito upang makatulong sa
pagpapalawak ng iyong kaisipan sa masusing paggamit ng isip, mabuting pagpili at
upang maging resposable at mapanagutan sa bawat isasagawang pasiya at kilos.
Basahin at intindihing mabuti ang mga nilalaman ng modyul at mga panuto sa mga
gawain.