174004 Grade 9-Diamond-Araling Panlipunan
Ang Araling Panlipunan ay pag-aaral ng mga tao at grupo, komunidad at lipunan, kung paano sila namuhay at namumuhay, ang kanilang ugnayan at
interaksyon sa kapaligiran at sa isa’t isa, ang kanilang mga paniniwala at kultura, upang makabuo ng pagkakakilanlan bilang Pilipino, tao at miyembro ng lipunan at mundo at
maunawaan ang sariling lipunan at ang daigidig, gamit ang mga kasanayan sa pagsasaliksik, pagsisiyasat, mapanuri at malikhaing pag-iisip, matalinong pagpapasya, likaskayang paggamit ng pinagkukunang-yaman, at mabisang komunikasyon. Layunin ng Araling Panlipunan ang paghubog ng mamamayang mapanuri, mapagmuni,
responsable, produktibo, makakalikasan, makabansa, at makatao, na may pambansa at pandaigdigang pananaw at pagpapahalaga sa mga usapin sa lipunan sa
nakaraan at kasalukuyan, tungo sa pagpanday ng kinabukasan.