Birtual na Palihan sa Pagsasagawa ng Interbensiyon sa Pagbasa
Layunin ng palihang ito na mabigyan ng kaalaman at kasanayan ang mga guro ng Filipino tungkol sa pagsasagawa ng interbensiyon para sa mga mag-aaral na may suliranin sa pag-unawa sa binasa. Nilalaman nito ang mga sumusunod na paksa:
1. Pagtatasa sa antas ng kakayahan ng mga mag-aaral sa pag-unawa ng binasa
2. Proseso at mga estratehiya sa pagsasagawa ng interbensiyon sa pagbasa
3. Paghahanda ng mga kagamitang pang-interbensiyon
4. Pagsasagawa ng interbensiyon gamit ang mga estratehiya at mga kagamitan kabilang ang ICT.