Patakarang Pang-Ekonomiya sa Panahon ng mga Espanyol (Mod 4-8)
Sa modyul na ito ay malalaman mo ang mga patakarang kolonyal na ipinatupad ng mga Espanyol sa bansa at ang mga epekto nito sa pamumuhay ng mga Pilipino. Malalaman mo dito ang mga paghihirap ng mga katutubo sa pagsunod ng iba’t ibang patakarang pang-ekonomiya na ipinatupad ng mga mananakop.
Matutunan mo rin kung paano nagbabago ang politikal na aspekto ng bansa at ang epekto nito sa mga Pilipino. Ipinakita ng mga Espanyol na sa pagbabago ng pamamahala ng bansa ay may malaking epekto nito sa pagpapalawak ng kolonya. Matutunghayan mo dito ang paglipat ng sinaunang pamamahala hanggang sa kolonyal na uri ng pamahalaan.