Pinagmulan ng mga Unang Pangkat ng Tao sa Pilipinas (Mod 3)
Matututunan mo sa modyul na ito ang pinagmulan ng unang pangkat ng tao sa Pilipinas batay sa Teoryang Austronesyano, Mitolohiya at Relihiyon. Ayon sa teoryang Austronesyano, nagsimula ang lahing Pilipino sa Timog Tsina o Taiwan at naglakbay patungo sa ating bansa. Ayon sa mitolohiya, nagmula ang lahing Pilipino kay Malakas at Maganda. Samantala, sa relihiyon naman ay sinasabing ang lahing Pilipino ay nagmula kay Adan at Eba.
Pinagmula ng Pagkakabuo ng Pilipinas (Mod 2)
“Tectonic Plate”, Mitolohiya, at Relihiyon. Ang teorya ng “Tectonic plate” ay nagsasabi
tungkol sa paggalaw ng mga lupa. Ang mitolohiya (myth) ay nagpapaliwanag na ang
bansang Pilipinas ay nabuo mula sa iba’t ibang mga kwento ng pinaniniwalaan ng ating mga
ninuno. Samantala, sa relihiyon ay pinaniniwalaang ang Diyos ang lumikha ng mundo
kasama ang bansang Pilipinas. Ang mitolohiya at relihiyon ay may kaugnayan sa isa’t-isa.
Pang Ekonomikong Pamumuhay ng mga Pilipino sa Panahong Pre-Kolonyal (Mod 5)
Matututunan mo sa modyul na ito kung ano ang paraang pang ekonomiko at pamumuhay ng mga Pilipino sa panahong pre-kolonyal. Bukod sa pamumuhay, susuriin din ang naging kabuhayan ng ating mga ninuno at kung paano nila ito iniayon sa kanilang kapaligiran. Kabilang sa mga kabuhayang ito ang pagsasaka, pangingisda, panghihiram/pangungutang, pangangaso, slash and burn, pangangayaw, pagpapanday, paghahabi at iba pa.
Malalaman din sa modyul na ito ang mga bansang nakipagkalakalan sa Pilipinas at ang kani-kanilang mga produkto. Ang mga ito ang tumulong sa mga Pilipino upang matustusan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan at makapamuhay nang masagana noong sinaunang panahon.
Kaugnayan ng Lokasyon sa Paghubog ng Kasaysayan (Mod 1)
Sa modyul na ito ay mauunawaan mo ang kahalagahan ng pag-aaral ng heograpiya sa pag-aaral ng kasaysayan sapagkat may kinalaman ito sa paghubog ng kasaysayan at kabihasnan sa iba’t ibang aspeto ng kultura, pamahalaan, relihiyon, sining, ekonomiya, at maging ang hinaharap ng mga tao at bansa sa daigdig.