Ang nilalaman at istraktura ng Edukasyon sa Pagpapakatao ay
nakaankla sa dalawang disiplina: Ethics at Career Guidance. Ang Etika ay ang
siyensya ng moralidad ng kilos ng tao. Samantalang Career Guidance naman ang
paggabay sa mag-aaral na magpasiya ng kursong akademiko, sining at isports o
teknikalbokasyonal na tugma sa kanyang mga talento, kakayahan at aptitude at
mga trabahong kailangan ng industriya.