Font size
  • A-
  • A
  • A+
Site color
  • R
  • A
  • A
  • A
CAR - NEP
  • Log in
Skip to main content

GRADE 7

  1. Home
  2. Courses
  3. Schools Division Offices
  4. Benguet
  5. GRADE 7
Expand all
View all subcategories
  • 1 (current)
  • 2
  • 3
  • 4
  • 5
  • 6
  • 7
  • 8
  • 9
  • 10
  • …
  • 12
  • » Next
SDO-Benguet Division Achievement Test
Myrick Ao-Asen
GRADE 7

SDO-Benguet Division Achievement Test

Test Course101
Eric Wanson
GRADE 7

Test Course101

305272-Fort del Pilar National High School-Araling Panlipunan 7-Quarter 1-Module 3: Mga Likas na Yaman ng Asya
Judith Chommog
GRADE 7

305272-Fort del Pilar National High School-Araling Panlipunan 7-Quarter 1-Module 3: Mga Likas na Yaman ng Asya

Ang araling ito ay tumutukoy sa kung paano nagbunsod sa pag-unlad ng kabihasnan at kultura ng isang lipunan sa Asya ang patuloy na paglinang at pakikibagay ng tao sa kapaligiran.


MANGANESE INTEGRATED SCHOOL/QUARTER 3:TECHNOLOGY AND LIVELIHOOD EDUCATION-COOKERY 10
Jormelyn Diwas
GRADE 7

MANGANESE INTEGRATED SCHOOL/QUARTER 3:TECHNOLOGY AND LIVELIHOOD EDUCATION-COOKERY 10

This curriculum guide on Cookery leads to National Certificate Level II (NCII). This course is designed for a Grade 10 student to develop the knowledge, skills, and attitudes to perform Cookery tasks. It covers core competencies as follows: 1) preparation of egg dishes, 2) preparation of cereals and starch dishes, (3) preparation of vegetable dishes, (4) preparation and cooking of seafood dishes, (5) preparation of stocks, sauces, and soups, (6) preparation of poultry and game dishes, and (7) preparation of and cooking meat. 

AralPan 1
Jovette Pacuz
GRADE 7

AralPan 1

Mailasinan Dadin Nannenenatken ay Partin di Awak
Jerlyn O. Tay-eo
GRADE 7

Mailasinan Dadin Nannenenatken ay Partin di Awak

Math
Bibiana Danglay
GRADE 7

Math

5

Health

Ikalawang Markahan – Modyul 7:

Gampaning Pangkasarian: Paano

ka ba dapat?

CO_Q2_Health 5_ Module 7

Health – Ikalimang Baitang

Alternative Delivery Mode

Pangalawang Markahan – Modyul 7: Gampaning Pangkasarian: Paano ka ba dapat?

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng

karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang

pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na nag

handa ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o

tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,

tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay

ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot

sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatangaring

iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga

orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang

paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Kalihim: Leonor Magtolis Briones

Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Teodmhar P. Magno

Mga Editor: Ryan E. Depalco, Mark Joevel Buante

Mga Tagasuri: Gregorio N. Cainto, Prima S. Jabagat

Tagaguhit: Teodmhar P. Magno

Mga Tagalapat: Teodmhar P. Magno, Dorely Eliza P. Dela Cruz

Mga Tagapamahala:

Ramir B. Uytico, Arnulfo M. Balane, Rosemarie M. Guino, Joy B. Bihag,

Ryan R. Tiu, Nova P. Jorge, Carmelino P. Bernadas, Rey F. Bulawan,

Nicolas G. Baylan, Neil G. Alas, Imelda E. Gayda, Abelardo G. Campani

Inilimbag sa Pilipinas ng _

Department of Education – Region VIII

Office Address: Government Center, Cadahug, Palo, Leyte

Telefax: 053 – 323-3156

E-mail Address: region8@deped.gov.ph

1

CO_Q2_Health 5_ Module 7

Alamin

Ang pagkahubog ng bawat katangian ng babae at lalaki ay napagtitibay ng

iba’t ibang salik ng lipunan kagaya ng pamilya, medya, relihiyon, at paaralan.

Ang kasarian ng lalaki at babae ay isang bagay na nagdidikta kung ano ang

kanilang tungkulin na kailangan gampanan sa isang lipunan na maaaring magbago

depende sa kung papaano nito naapektuhan ng mga nasambit na salik.

Layunin ng modyul na ito ang mga sumusunod:

1. Masasabi kung papaano napagtitibay ng pamilya, medya, relihiyon,

paaralan at lipunan ang gampaning pangkasarian (H5GD-IIj-14); at

2. Makapagbibigay ng mga halimbawa kung papaano nagbabago ang

gampaning pang-kasarian ng lalaki at babae (H5GD-Ij-15).

Subukin

Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Isulat ang salitang TAMA kung

ito ay totoong gampanin ng isang lalaki o babae at MALI kung hindi.

Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ang mga kalalakihan ay inaasahang gaganap ng mga tungkulin na

mabibigat sa pamilya kung wala ang mga ama.

2. Ang mga kalalakihan ay maghihintay lamang ng suporta ng mga

Kababaihan.

3. Ang isang lalaki o babae ay puwedengmanilbihan sa bayan.

4. Inaasahan na ang mga kababaihan ay kikilos nang mas agresibo sa

paghahanapbuhay kaysa sa mga kalalakihan para sa kanilang pamilya.

5. Inaasahan na ang lalaki ay siyang manliligawsa babae.

6. Ang mga kababaihan ang siyang susuyo sa mga kalalakihan.

7. Lalaki man o babae ay puwedengmaghanapbuhay para sa pamilya.

8. Ang mga kalalakihan ang siyang magtataguyod ng pamilya.

9. Inaasahan na ang mga kalalakihan ang maglilinis ng bahay at maglalaba.

10.Nararapat na ang kababaihan ang gagabay sa mga bata ng magandang paguugali.

2

CO_Q2_Health 5_ Module 7

Aralin

4 Gampaning Pangkasarian:

Paano ka ba dapat?

Ang gampaning pangkasarian ay nalilinang habang ang bata ay lumalaki. Ito

ay naaapektuhan at nahuhubog ng iba’t ibang salik kagaya ng pamilya, medya,

relihiyon at paaralan. Ang bawat salik ay mahalaga para sa inaasahang dapat

maging gampaning pangkasarian ng isang lalaki o babae.

Sa araling ito matutunan ng mga mag-aaral kung ano ba ang dapat na

gampaning pangkasarian ng isang babae at lalaki.

Balikan

Panuto: Basahin ang mga sumusunod. Isulat ang S kung ang parirala ay

tumutukoy sa bayolohikal o pisyolohikal na katangian ng isang lalaki o

babae, at K naman kung ito ay tumutukoy sa panlipunang gampanin,

kilos at gawain ng isang lalaki o babae.

1. paglalagay ng ‘make-up’ sa mukha

2. buwanang dalaw

3. pagpapasuso ng ina sa sanggol

4. pagbubuhat ng mabibigat

5. pagkakaroon ng kalalakihan ng mabibigat na buto

Mga Tala para sa Guro

Ang modyul na ito ay magsisilbing kagamitan ng mga magaaral

para mapunan ang mga araling hindi masyadong nabigyang

diin sa pagtuturo o naproseso at para rin mapunan ang mga

kasanayan sa araw na hindi nila nakuha.

3

CO_Q2_Health 5_ Module 7

Tuklasin

Panuto: Isulat ang salitang NOON kung ang gampaning pangkasarian ay batay sa

kung ito ay turo ng kahapon habang NGAYON naman kung ito ay ang

pagbabagong gampaning pangkasarian sa panahon ngayon. Isulat ang

tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ang lalaki lamang ang pwedengmaghanapbuhay.

2. Maaaring tumulong ang isang babae sa pag-igib ng tubig lalo na kung kaya

naman niya ito.

3. Ang mga babae at lalaki ay maaaring maglagay ng make-up sa mukha.

4. Ang babae ay inaasahang tagalinis ng bahay at tagalaba.

5. Ang lalaki ay maaaring maglaba ng kanyang mga damit.

Suriin

Ang gampaning pangkasarian ay pamantayan ng pag-uugali sa lipunan na

itinuturing na akma o angkop para sa kasarian ng isang indibidwal. Ang kasarian

ng lalaki at babae ay naapektuhan ngmga salik sa lipunan na humuhubog sa kanila.

Narito ang mga salik na nakapagtitibay ng gampaning pangkasarian ng isang

lalaki at babae:

1. Pamilya

2. Paaralan

3. Medya

4. Relihiyon

Bawat isa sa mga salik na ito ay may kanya-kanyang mga paraan kung paano

nahuhubog ang gamapaninig pangkasarian ng isang lalaki o babae. May mga turo

na nagkakapareho at mayroon din namang nagkakaiba batay na rin sa impluwensya

ng takbo ng panahon at sa modernong pamumuhay.

4

CO_Q2_Health 5_ Module 7

Ang PAMILYA.

Iginuhit ni Teodmhar P. Magno, Eastern Samar, SDO

Simula sa pagkamulat ng bata at pagkalinang ng kanyang kamalayan, ang

pamilya ang siyang pinakaunang gabay. Ito ang unang guro sa buhay ng isang

batang lalaki o babae na nagpapangaral sa kanya sa mga bagay na dapat at hindi

dapat gawin at mga magagandang asal.

Pamilya ang unang humuhubog sa kung ano ba dapat ang gamapanin ng

isang lalaki at babae na siyang dapat ipinapakita at ginagawa. Narito ang iilan sa

mga pamamaraan kung papaano napagtitibay ng pamilya ang gampaning

pangkasarian ng isang babae o lalaki.

 Tuwing kumakain ang pamilya, dito isinisingit ang mga usapin tungkol sa

kung ano ba dapat ang ginagawa ng isang lalaki o babae.

 Bawat bonding time ng pamilya, itinuturo ng mga magulang ang mga

nararapat na asal at pag-uugali ng isang lalaki o babae na makatutulong sa

kanya para maging isang responsableng anak at mamamayan.

 Tahasang pinagsasabihan ng isang tatay o nanay yong mga gawaing hindi

tama at tama para sa kanilang anak na lalaki o babae.

Narito naman ang mga halimbawa ng mga itinuturo ng pamilya sa mga anak

na lalaki o babae.

 Ang mga lalaki ay dapat tumutulong sa mga gawaing bahay kagaya ng,

 pag-igib ng tubig;

 pagkukumpuni ng mga sirang gamit;

 pagtulong sa mga mabibigat na gawain sa bahay; atbp.

 Ang mga kababaihan ay dapat tumutulong sa gawaing bahay kagaya ng,

 sa paglilinis ng bahay;

 pagwawalis ng sahig;

 paghuhugas ng pinggan;

 paglalaba; atbp.

5

CO_Q2_Health 5_ Module 7

Ang PAARALAN.

Iginuhit ni Teodmhar P. Magno, Eastern Samar, SDO

Sa paglaki ng isang batang lalaki o babae, hindi na lamang sa bahay

gumagalaw ang kanyang mundo. Sa pagtungtong ng edad na maaring na mga-aral

ang bata, paaralan na ngayon ang magsisilbing pangalawang magulang at

magbibigay ng pormal na edukasyon. Dito, napagtitibay ang gampaning

pangkasarian ng isang lalaki o babae.

Narito ang mga pamamaraan kung papaano nahuhubog at napagtitibay ng

paaralan ang gampaning pangkasarian ng isang lalaki o babae.

 Ang lahat ng mga mag-aaral ay nagkakaroon ng oryentasyon sa mga polisiya

at guidelines sa kung ano ba dapat na kanilang ginagawa bilang mga

kalalakihan o kababaihan.

 Tinatalakay ng paaralan sa mga bata ang pupil o student handbook na

naglalaman ng mga gawaing naayon sa batayan o standards ng paaralan para

sa mga batang lalaki at babae.

 Nagkakaroon ng mga buwanang programa na humuhubog sa mga kakayahan

ng mga lalaki at babae kagaya ng Nutrition Month, Buwan ng Wika, Science

Fair, English Month, atbp.

Narito naman ang ilan sa mga gawaing itinuturo ng mga paaralan sa mga

mag-aaral sa mga kalalakihan at kababaihan.

 Ang mga lalaki ay,

 dapat nagsusuot ng unipormeng panlalaki;

 nagpapagupit ng buhok ayon sa kung ano ang nararapat;

 nagbubuhat ng mabibigat na bagay sa loob at labas ng silidaralan;

 tumutulong sa pagkukumpuni sa mga sirang upuan o furniture

sa silid-aralan;

 puwedengmaupo sa posisyong politikal o manilbihan sa lipunan;

atbp.

 Ang mga babae ay,

 dapat nagsusuot ng unipormeng pambabae;

 tinatali ang buhok kung mahaba, kung maiksi naman ay dapat

na nagsusuot ng headband at iba pang gamit ;

 tumututlong sa paglilinis sa loob at labas ng silid-aralan;

6

CO_Q2_Health 5_ Module 7

 kung kayang buhatin ang isang mabigat na bagay lalo na kung

walang lalaking pweding magbuhat nito, ay pwede naman niyang

gawin basta ayon lamang sa kanyang kayang mabuhat;

 papasok ng presentable sa paaralan;

 puwede ring manilbihan sa lipunan o tumakbo para sa posisiyong

political; atbp.

Ang MEDYA.

Iginuhit ni Teodmhar P. Magno, Eastern Samar, SDO

Dahil sa modernong teknolohiya mayroon ang tao ngayon, hindi na lamang

ang pamilya at paaralan ang napagkukunan ng aral o ikatuto ng mga bata lalo na

sa kanilang gampaning pangkasarian dahil sa impluwensiya ng medya. Sa laro ng

teknolohiya ngayon, lahat ay pupuwede nang makita at matutunan sa cellphone,

laptop, o telebisyon sa tulong ng internet.

Sa mga programa sa telebisyon,mga ini-upload sa youtube na mga iba’t ibang

videos, mga documentaries, mga vlogs at iba pa, dito nakakakuha ang mga batang

lalaki o babae ng iba’t ibang impormasyon na inilalapat nila sa kani-kanilang buhay

na nakaiimpluwensya sa kanilang gampaning pangkasarian.

Ilan sa mga ito ay:

 Ang isang lalaki o babae ay may karapatang pumili ng kanilang susundin

ayon sa kanilang nakuha batay sa kanilang bagong pinaniniwalaan.

 Maaari ring maghugas ng pinggan at maglaba ang mga kalalakihan.

 Hindi na lamang mga kalalakihan ang pupuweding makagawa ng mga bagay

na kadalasang ginagawa nila pati na rin ang mga kababaihan ay maari narin

gawin ang mga ito kagaya ng,

 pagkukumpuni ng mga sirang kumpyuter, cellphone o laptop;

 pag-akyat ng mga matatarik na bulubundukin;

 pagsabak sa pampalakasan kagaya ng wrestling, boxing at iba pa;

 pagtakbo sa mga halalan para makaupo sa posisyon o magsilbi sa

bayan;

 paghahanap-buhay (propesyonal, opisina o labor);

 pagiging director sa telebisyon o mga gawaing pampelikula; atbp.

7

CO_Q2_Health 5_ Module 7

Ang RELIHIYON.

Iginuhit ni Teodmhar P. Magno, Eastern Samar, SDO

Isa pang nagpapatibay ng gampaning pangkasarian ng isang lalaki o babae

ay ang kanyang kinabibilangang relihiyon na sa pamamagitan ng mga doktrinang

kaniyang pinapakinggan, siya ay nagagabayan kung ano ang dapat at naaayon sa

kasulatan at salita ng Diyos.

May mga programang inihahanda ang iba’t ibang simbahan para sa kanilang

mga kasapi lalo na para sa kanilang mga miyembro na mga batang lalaki at babae.

Ang mga programang ito ay silang nakapaghuhubog sa inaasahang pag-uugali at

gampaning pangkasarian ng isang lalaki o babae kagaya ng sumusunod:

 Outreach programs

 Catechitics

 Youth Seminars

 Values Formation Programs

Sa pamamagitan ng mga programang ito, itinuturo dito ang mga gawain na

nakapaghuhubog ng gampaning pangkasarian na kalugod-luogd sa harapan ng

Diyos. Ilan sa mga pangaral ay:

 Ang mga lalaki ay inaasahan na sila ang,

 magpapakita ng wastong gupit sa buhok para sa mga

nakababatang kapatid o kapanalig

 mag-aalok ng kasal sa mga napupusuan nila;

 magtatrabaho para sa kanilang pamilya;

 magpapakita ng magandang asal para sa mga nakababatang

kapatid o mga kapanalig;

 maghahanapbuhay;

 magsisilbing lakas ng pamilya;

 magsisilbi sa Parokya, simbahan, kapilya, mosque sa

pamamagitan ng pagiging altar boy, lay minister, reader, psalmist,

diakono, mang-aawit o ang pagiging pari, ministro; atbp.

 Ang mga babae ay inaasahan na sila ang,

 magpapahaba ng buhok;

 magsisilbi sa asawa;

 gagabay sa mga anak;

 magpapakita ng magandang asal para sa mga nakababatang

kapatid o kapanalig;

8

CO_Q2_Health 5_ Module 7

 magsisilbi sa simbahan kagaya ng pagiging reader, psalmist,

diokonesa, mang-aawit o pagiging madre; atbp.

Ilan lamang ito sa mga bagay na nakaiimpluwensya at nakapagpapatibay sa

gampaning pangkasarian ng isang lalaki at babae habang sila ay lumalaki.

Sa makabagong panahon, ang gampaning pangkasarian ay hindi na

nakasentro sa dapat na gamapanin ng isang lalaki o babae. Maraming sector ng

lipunan ang nagsusulong ngayon ng gender equality o ang pagkakapantaypantay

ng bawat isa sa anumang larangan, mapalalaki man o babae, bagay na

dapat igalang at pagyamanin.

Pagyamanin

Panuto: Pumili sa mga pangungusap na nasa kahon kung aling paraan ang tiyak

na nakapag-papatibay ng gampaning pangkasarian ng isang lalaki o

babae sa mga sumusunod na sitwasyon. Isulat ang titik ng tamang sagot.

A. Dahil sa iba’t ibang programa sa telebisyon at sa ibang pang uri ng medya

platform, natutunan ng isang lalaki o babae na ang paghahanapbuhay ay

maaaring magawa ng kahit na sinong tao mapalalaki o babae man yan, lalo na

sa panahon ngayon.

B. Ipinangangaral ng mga magulang sa mga anak ang kahalagahan ng

pagtulong sa pamilya lalo na kung sila ay magsisipagpamilya na rin. Ang babae

ang siyang hahawak ng badyet para sa mga gastosin.

C. Natutunan sa mga magulang kung sino ang siyang dapat na mag-aasikaso

sa pamilyamula sa paghahanda ng pagkain at pagliligpit nito.

D. Turo sa banal na kasulatan na ang lalaki ay dapat hindi nagpapahaba ng

buhok bagkus ay dapat ginugupit kung mahaba na ito. Ang tanging pwedeng

magpahaba ng buhok lamang ay yaong mga kababaihan. (Cor. 11:6-7, 14-15)

E. Parehas ang turo ng mgamagulang at paaralan sa mga bata pagdating sa

kanilang kasuotan. Ang lalaki ay dapat magsuot kung ano ang panglalaki

gayundin ang mga babae.

1. paghuhugas ng mga pinggan

2. maghanapbuhay lalaki man o babae

3. Ang kita ng lalaki sa trabaho ay ibibigay sa asawang babae.

4. magsusuot ng palda ang babae at pantalon/saluwal ang lalaki

5. Ang lalaki ay magpapagupit ng panlalaki at ang babae ay magpapahaba

ng buhok.

9

CO_Q2_Health 5_ Module 7

Isaisip

Buuin ang tatlong pangungusap na ito. Ilagay ang sagot sa iyong sagutang

papel.

1. Ang gampaning pangkasarian ng isang lalaki at babae ay napagtitibay ng

_ , , , at .

2. Sa panahon ngayon, ang gampaning pangkasarian ay hindi na binibigyan

diin sa kung ano ang inaassahang gawain ng lalaki o babae dahil

.

3. Dahil sa pagbabago ng pang-unawa at sa hamon ng pamumuhay, ang

gawain ng lalaki ay puwede nang gawin ng babae o bise bersa dahil

.

Isagawa

Panuto: Gumuhit ng isang pigurang tao o bata sa isang papel. Sa isa o dalawang

pangungusap magbigay ng sariling pagtalakay batay sa naintindihan

mong impluwensiya ng pamilya, paaralan, relihiyon at medya sa

gampaning pangkasarian ng isang lalaki o babae.

Pamilya Paaralan

Relihiyon Medya

10

10 CO_Q2_Health 5_ Module 7

Base sa ibinigay mong pagtatalakay, ang gampaning pangkasarian ba na

napagtitibay ng bawat salik ay nailalapat ng bawat lalaki o babae sa kanilang buhay

lalo na sa panahon ngayon? Bakit kaya?

Tayahin

Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang titik ng tamang

sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ang iba’t ibang programa kagaya ng Catechism ay isa lamang sa mga

gawain ng anong salik na nakapagtitibay ng gampaning pangkasarian ng

mga lalaki o babae?

A. Pamilya C. Medya

B. Paaralan D. Relihiyon

2. Sa napakaraming programa sa telebisyon at mga videos sa online platform

kagaya ng youtube at mga social apps kagaya ng Facebook at Instagram,

maraming natutununan ang mga batang lalaki at babae dito na sadyang

napakalakas ng hatak sa kanilang gampanin sa buhay. Ang mga nabanggit

na mga platform ay saklaw ng anong salik?

A. Pamilya C. Paaralan

B. Medya D. Relihiyon

3. Alin sa mga sumusunod na gawain sa paaralan ang nakapagtitibay ng

gampaning pangkasarian ng isang lalaki o babae?

A. youtube C. Mga Polisiya/Code of Conduct

B. Periodical Tests D. Catechism

4. Ang pagsali sa mga iba’t ibang laro kagaya ng basketball, boxing, volleyball

at iba pa ay maaring gawin ng mga kalalakihan o kababaihan na

napagtitibay ng lahat ng salik sa iba’t ibang pagkakataon at pamamaraan.

Alin sa mga salik na iyong nabasa sa modyul na ito ang may malaking

bahagi sa pagkalinang ng kakayahan sa isport ng mga batang lalaki at

babae?

A. Paaralan C. Pamilya

B. Relihiyon D. Medya

11

11 CO_Q2_Health 5_ Module 7

5. Alin sa mga sumusunod ang puwedeng gampanan ng mga kalalakihan o

kababaihan?

A. paglilinis ng silid-aralan C. pagsilbi sa bayan

B. pag-aayos ng computer hardware D. lahat ng nabanggit

6. Ang paglilinis at paglalaba ng mga damit ay itinuturo ng pamilya sa mga

batang babae at ang pag-iigib at pagkukumpuni ng mga sirang gamit

naman sa mga batang lalaki. Subalit, sa panahon ngayon, mapalalaki man

o babae ay naisasagawa na ang mga ito ng salitan dahil sa mga madaling

pamamaraan ng pagsasagawa na napapanood sa telebisyon at sa ibang

online platform. Anong salik ang nagpapatibay nito?

A. Pamilya C. Medya

B. Relihiyon D. Paaralan

7. Dahil sa impluwensiya ng medya sa mga batang lalaki o babae, nabibigyan

ng kaalaman ang bawat isa na hindi lang pala lalaki o babae ang puwedeng

makagawa ng mga tungkulin o gampanin. Alin sa mga sumusunod ang

puwedeng magawa ng lalaki at babae na napagtitibay ng medya?

A. paglalagay ng make-up C. pagbubuntis

B. paggamit ng sanitary napkin D. pagpapatuli

8. Alin sa mga sumusunod ang hindi maaring gampanan ng mga kalalakihan?

A. paglalagay ng make-up C. pagluluto

B. pagbubuntis D. pangingisda

9. Ang pag-aalaga ng mga nakababatang kapatid ay kaninong gampanin?

A. kalalakihan C. kababaihan

B. ‘di puwedeng gawin ng lalaki o babae D. puwedeng lalaki o babae

10. Sa mga nakalipas na panahon, ang gampaning pangkasarian ay

nakasentro sa inaasahang gawain ng lalaki o babae. Sa modernong

kaisipan at panahon, ang gampanin ng lalaki ay puwedeng maisagawa ng

babae o bise bersa. Sa ganitong pamamaraan, kinikilala at iginagalang ang

pagkapantay-pantay ng lalaki o babae sa usaping gampanin na tinatawag

na ?

A. gampaninig pangkasarian o gender role C. kasarian

B. gender equality D. sex

12

12 CO_Q2_Health 5_ Module 7

Karagdagang Gawain

Panuto: Lagyan ng tsek ( / ) ang bawat bilang kung ang pangungusap o sitwasyon

ay nagsasaad ng gender equality o pagkapantay-pantay ng kasarian at ( X )

naman kung hindi. Ilagay ang inyong sagot sa sagutang papel.

1. May gaganapin na paligsahan sa paaralan na Dagliang Talumpati. Sa klase

ni G. Jaime, halos mga kababaihan ang gustong sumali rito. Binigyan ang

bawat klase ng tigdadalawang kalahok na puwedeng makasali rito. Pinili ni

Gng. Mercales ang dalawa sa magagling niyang mag-aaral sina Arlene at

Rodel. Parehas silang may kakayahan sa pagsasalita kaya silang dalawa ang

pinili ni Gng. Mercales

2. Maraming gawain sa bahay nila Aling Maring dahil sa idaraos na

selebrasyon ng kapanganakan ng kaniyang bunsong anak. Pinatulong sina

Oscar at Maria sa paglilinis ng bahay at pag-iigib ng tubig. Masayang

nagtulongan ang unang dalawang anak ni Aling Maring sa gawaing bahay.

3. Sa Parokya ng San Agustin, nakakatuwang makita na hindi lamang mga

batang lalaki ang nagsisilbi sa gawain ng simbahan kundi pati narin ang

mga kababaihan. Mayroong nagbasa ng unang pagbasa ng kasulatan na

batang lalaki at iyong pangalawa naman ay batang babae. Talagang

nakagagalak at siguradongmasaya at nalulugod ang Panginoon sa gawaing

ito.

4. May kinaaliwan si Mang Rudy na panuorin sa mga nakaupload na videos

sa youtube tungkol sa mga adventures ng mag-asawang millennial na sina

Mike at Cheska na gumagawa ng makapigil-hiningang gawain kagaya ng

pagtalon sa hangin mula sa helicopter o tinatawag na aerial diving,

pagsurfing sa malalaking alon, at pag-akyat sa matataas na bulubundukin.

Ani pa nga niya, “Wooh! Ito ang relationship goal!”

5. Sa negosyo nila Mang Nestor, nakakabilib lang na hindi lang lalaki ang

kaniyang kinuhang drayber kundi pati rin babae. At isipin mo ah,

malalaking truck ang mayroon sila na dinadrive ng parehong lalaki at babae.

Iba!

Karagdagang Gawain

1. /

2. /

3. /

4. /

5. /

Tayahin

1. D 6. C

2. B 7. A

3. C 8. B

4. A 9. D

5. D 10. B

Isagawa

Maaaring magkaiab-iba ang sagot. Narito ang rubric na gagamitin para

sa pagbibigay ng puntos sa kanila g sagot.

2 puntos – Naitalakay nang maayos ang bawat salik at naipamalas ang

laman ng puntos.

1 puntos – Naitalakay nang hindi gaano. Hindi masyadong nailahad ang

puntos.

Isaisip

1. (Puwede magkapalit-palit)

Pamilya, Paarlan, Medya, at

Relihiyon

2 at 3. Maaaringmagkaiba-iba

ang sagot depende sa

naintindihan nila.

Pagyamanin

1. C

2. A

3. B

4. E

5. D

Tuklasin

1. NOON

2. NGAYON

3. NGAYON

4. NOON

5. NGAYON

Balikan

1. K

2. S

3. S

4. K

5. S

Subukin

1. TAMA 6. MALI

2. MALI 7. TAMA

3. TAMA 8. TAMA

4. MALI 9. MALI

5. TAMA 10. TAMA

Sanggunian

DepEd Region8. 2016, Sex at Gender at mga Tungkuling Kaakibat Nito, Gabay sa

Pagtuturo Health 5 Yunit 2, pp. 1-2

Department of Education. 2016, K to 12 CurriculumGuide in Health, p. 48

DepEd, 2016. Kagamitan ng mag-aaral sa Health 5 Yunit 2

https://tl.wikipedia.org/wiki/Gampaning_pangkasarian

https://takdangaralin.ph/papel-sa-lipunan-bilang-babae-o-lalaki/

https://www.wordproject.org/bibles/tl/46/11.htm

https://www.wikiwand.com/tl/Araling_pangkasarian

https://tl.wikipedia.org/wiki/Kababaihan_sa_Pilipinas

https://aralipunan.com/sex-at-gender/

14

CO_Q2_Health 5_ Module 7

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex

Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Science 4
MARILYN ALFONSO
GRADE 7

Science 4

science


Learner’s Module in Mathematics 3 Quarter 2      Modules 3       Week 3
Cherry Lou Cocoy
GRADE 7

Learner’s Module in Mathematics 3 Quarter 2 Modules 3 Week 3

This learning module focuses on a competency that can be delivered online, modular, print, or digitized materials and applicable from home schooling or home study, needing enough supervision from parents or adult or brother or sister.


Ratio
Admin Benguet - 135707
GRADE 7

Ratio

At the end of the module, you should be able to:

1) Expresses ratios in their simplest forms.

2) Identify and write equivalent ratios.

Grade 3_2nd quarter
JOANNE MARIANO
GRADE 7

Grade 3_2nd quarter

Observable Inherited Characteristics and Basic Needs of Living Things


Filipino 1 Q2  Wk5
GARY TAMIKING
GRADE 7

Filipino 1 Q2 Wk5

Gorio, agdengngeg ka!

Paglinang ng Disenyong Nagpapakita ng Ritmo
Susan Organo
GRADE 7

Paglinang ng Disenyong Nagpapakita ng Ritmo

Nakalilikha ng disenyo sa paggamit ng

dalawa o higit pang mga uri ng mga linya,

kulay, at hugis sa pamamagitan ng pag-uulit

o contrast upang ipakita ang ritmo

QUARTER 2-ENGLISH 4
ROSANA LUCAS
GRADE 7

QUARTER 2-ENGLISH 4

Grade 1
Jeralyn B. Dango
GRADE 7

Grade 1

Demonstrates basic understanding of sound, silence and rhythm.

Responds appropriately to the pulse of the sounds heard and performs with accuracy the rhythmic patterns

135650Math3
Eleuterio D. Tegan
GRADE 7

135650Math3

Learning Objectives:

 

1. Visualizes multiplication of numbers 1 to 10 by 6, 7, 8 and 9.

2. Visualizes and states multiplication for numbers up to 10


Grade 2 MAPEH
THELMA LAPNITEN
GRADE 7

Grade 2 MAPEH

Grade 2 MAPEH
THELMA LAPNITEN
GRADE 7

Grade 2 MAPEH

science 3
FLORA TUBAL
GRADE 7

science 3

AP 3 Q 2 W 2
LAARNI DEMOT
GRADE 7

AP 3 Q 2 W 2

  • 1 (current)
  • 2
  • 3
  • 4
  • 5
  • 6
  • 7
  • 8
  • 9
  • 10
  • …
  • 12
  • » Next

Stay in touch

  • www.deped.gov.ph
Data retention summary
Get the mobile app

Proudly made with

Moodle logo

Made with by conecti.me